Ang maganda kapag me business trip ka eh, me barkada ka sa lugal na pupuntahan mo. Dito sa trip na ito, bale wala, dahil wala naman akong kakilala na nasa Casablanca. Kaso, pabalik eh dadaan ako ng Paris, kaya siempre dadaan na ulit ako kina pareng Walter. Sino nga pala ‘tong si Walter?
si DABOY

L-R: Erwin, pareng Walter, Agnes, and Arnold
kung ang ugali at ilan sa mga roles na ginampanan ni Daboy noong sya ay nabubuhay pa ay tunay na nangyari sa totoong buhay, siguro eh pwede syang itulad kay pareng Walter dahil sya yung barkadang hindi ka iiwan ika nga kahit buhay pa ang nakataya. Siya yung takbuhan ng barkada namin kapag me trobol, lalo na kapag medyo dehado sa away..hehehe…alam mo nman nung mga bata tayo, me mga kalokohan din tayo, lalo na kapag sa probinsya ka lumaki. Pero kung gaano sya katapang noon, mas lalo syang matapang ngayon..sabi nga ni pareng Arnold. Nasa Paris na si pareng Walter, masaya at matahimik na ang buhay..me mga bagong barkada na rin gaya nina pareng Arnold, Elwyne, Aye, Alex, Rey, Nila, at marami pang iba. Napagkwentuhan nga namin, nagpapasalamat at nakaalis ng bansa dahil mismong bansa natin, hindi makapagbibigay ng parehas, disente, tahimik, maayos na buhay sa nakararami. Si Walter ika nga ang matapang, madiskarte, at magaling sa suntukan na barkada namin noon, ngayon, at bukas.
Si IPE

Aye and Ipe
si Ipe eh ipinakilala sa akin ni pareng Walter. dumating sya kasama si Aye. Akala ko noong una eh mag-ama, hindi naman dahil matanda ang hitsura ni Arnold, iyon eh dahil bata ang hitsura ni Aye. Pero ayos tong mag-utol na ito. ika nga eh, kapag okay ke pareng Walter, okay sa OMSO mga to. Naku, masayahin din si Arnold, at kilalang-kilala nya ang ugali ni Daboy. Taga-Batangas din tong magkapatid na ito, at ang nakakatuwa, kung ikaw eh taga-Paris at ikaw eh balak magpapakasal, o magpapabinyag, o kaya eh magpapa birthday, si pareng Arnold ang lapitan mo at siya ang aayos…padrinong-padrino ang dating, kaya siempre, siya rin ang “ninong”.
Ipinagluto nga pala kami ni pareng Walter ng pansit..naku, pagkakasarap..sabi nga ni pareng Arnold, parang pansit sa MGM, yung sikat na lomian sa Batangas. Pagkatapos ng tsibog, ginawan na kami ng inumin, at hinainan ng crispy pata ni pareng Walter..siempre, kelangan ng masarap na sawsasawan..eh ang “specialty” pala ni pareng Arnold eh ang gumawa ng “sawsawan”..hayun, pumunta sa kusina at pagkatapos ng labinlimang minuto, lumabas na si pareng Arnold na me dalang sawsawan, at nang aking matikman, DA BEST NGA!! Ika nga ng utol nyang si Aye, sawsawan pa lang, ulam na!!
Kaya hayun, napasarap ang inuman..at lagi naman, kapag napapasarap sa inuman, hindi namamalayan ang oras..dahil me flight pa ako sa alas otso ng umaga, nagpaalam na sina Aye at Arnold ng mag a alas dose na ng gabi.
Kahit puyat at pagod, masaya ang pag-uwi.
Oo nga pala, gusto ko na ring pasalamatan si pareng Elwynne Santiago, ang barakda rin ni Walter na sumundo at naghatid sa akin sa airport. Etong si Elwynee ang John Pratts daw ng Paris.
Maraming salamat din sa maganda at batang-batang maybahay ni pareng Walter, si mareng Agnes na mag be bertdey bukas. Masarap mag bake ng cake tong si mareng Agnes, saka masarap ding gumawa ng mga sapin-sapin. Wala akong masasabi dito ke Agnes, napakabutihing maybahay. Sabagay, tumagal ka baga naman ke pareng Walter, hehehe..biro lang pareng Walter!! Binusog nga pala nila ako..nung dumating ako ng Biernes ng gabi, hinainan na agad ako ni mareng Agnes ng paborito kong sinigang. Kaya kahit nakakain na ako eh, hindi ko napigil kumain ulit…at siempre pagkatapos, konting barik, kasama si pareng Elwynne at pareng Walter.
Hanggang sa muli!!